panu mu ba masasabi na mahal mo talaga yung isang tao?yung bang gagawin mu lahat kahit na nasasaktan ka na ng husto o yung pakakawalan mu sya kasi lam nung di na sya masaya sayo..minsan mahirap talagang timbangin kasi minsan tulak lang ng bibig..kesyo "tangina..pag ayaw na nya sakin di bahala sya.." pero pag nandun ka na sa sitwasyon na yun bigla mung msasabi na "tangina di ko kaya na mawala sya, titiisin ko lahat wag lang syang mawala.."di ba ang saya..ang buhay pag-ibig nga naman..
pero kung titignan mu ang sitwasyonat titimbangin and puso at isip mo..malalaman mu na minsan kelangan mu ding pahalagahan ang sarili mo..naisip mo ba kung bakit? ..kasi pano ka magmamahal ng todo sa isang tao kung ang sarili mo di mo kayang mahalin.. minsan sa pag-ibig di natin hawak ang
panahon at pag-iisip ng isang tao.. kahit anong higpit ang hawak natin kung di na natin talaga maipipilit mawawala at mawawala din ito.. saan tayo nagyon lulugar pag nangyari yun?! ..alam ko mas madaling maging negatibo gaya ng ginagawa ko..
nagmamahal din ako at sa ngayon ay masayang masaya ako..pero lagi ko pa ding isisnisiksik sa isip ko na paano kung dumatingn ang araw na wala na siya at di ako handa..kaya naisip kong pag nangyari yun.. alam kong ahayaan ko sya..di dahil sa ko sya mahal kundi sobra ko syang mahal at ayokong mapalitan ng galit ang nararamdaman ko pag sinaktan nya ko ng sobra para lang bumitaw ako.. minsan naiisip ko mas tama yun kasi maraming pwedeng mangyari.. pwedeng maging kami ulit o di kaya magmahal ulit ng panibago.. minsan ganoon talaga ang buhay di lahat ng gusto mo ang napupunta sayo.. parang mas masarap kasing isipin na yung memories na maaalala mo eh mas lamang yung masasaya kesa yung lungkot sa pagsasama nyo.. ito ay opinion ko lamang at kuro-kuro nasa iyo pa rin ang huling pasya kaibigan..